|
Post by ANDY VITAL on Aug 23, 2006 6:25:37 GMT 7
MAGANDANG ARAW PO SA INYONG LAHAT!
DITO NATIN ILILIPAT ANG DAMDAMING-BAYAN ON LINE SA MGA SUSUNOD NA LINGGO. SA MGA NAIS MAGBIGAY NG OPINYON SA MGA BAGAY-BAGAY NA NAGAGANAP SA PILIPINAS AT IBAYONG DAGAT, PAKI-IWAN NA LAMANG NG MENSAHE RITO. AND EXPECT AN ANSWER EITHER FROM THE ADMIN OR FROM OTHER LISTENERS AND READERS.
|
|
|
Post by Myles on Sept 8, 2006 8:34:27 GMT 7
THIS IS A NICE PLACE SIR ANDY. HOPE FOREVER NA ITONG AMBIANCE...UNLIKE DAMDAMING BAYAN ON LINE....ALWAYS CHANGING (COMMENT LANG PO).
|
|
|
Post by batangsaudi on Sept 11, 2006 20:29:57 GMT 7
|
|
|
Post by spuf16 on Sept 12, 2006 9:20:06 GMT 7
suggestion lang po para sa DOT, maganda sana kung may city map na "laging" available sa mga airports natin. Kung manila airport sana may city map ng manila, kung cebu - city map ng cebu, kung davao -city map sa davao, etc. Malaking tulong kasi ito para sa mga turista natin. Sa HK, pagpasok mo ng airport, available yung mga city map nila, may idea agad yung turista kung saan saan sya iikot kasi naka highlight dun sa mapa yung mga pwedeng pasyalan at may mga tips pa kung paano yung mga kalakalan.
Maganda din kung sa mga taxi natin, may mapa din ng mga tourist spots para ituturo na lang ng mga turista na hirap magsalita ng ingles kung saan nila gustong pumunta.
Sana DOT ang mag initiate nito.
Salamat
|
|
|
Post by marvin on Sept 14, 2006 10:56:50 GMT 7
regarding sa mga city maps, i believe the DOT in central visayas has come up with a map of cebu... all you need do is go to the assigned DOT booth at the arrival area, and ask for a copy of the map and other flyers not only about cebu but the whole central visayas, marami sila nyan... enjoy ur stay... daghang salamat
|
|
|
Post by marvin on Sept 14, 2006 11:00:02 GMT 7
nais kong tawagan ng pansin kung meron man dito na nagtatrabaho sa bangko ang isang obserbasyon na matagal ko nang nais hingan ng opinyon sa inyo... kasi ganito iyon... napupuna ko lang twing sasapit ang payday karamihan sa mga atm machines ay offline... hindi naman siguro ito pagkakataon dahil sa bakit pag payday pa nag-o-offline ang system ng mga bangko? ganon din ang nangyayari kapag pupunta ka sa branch ng bank para mag-over-the-counter... sasabihin sa iyo ng teller na "sorry, sir, offline pa ho ang system namin." kaya ang nangyayari ay nag-a-atm hopping ka from one location to another. sa pag-aakala ko kaya nagkaroon ng bancnet, megalink at expresnet ay para mapagaan ang iyong pagwi-withdraw sa mga atm machine... subalit ang nangyayari ay hindi ganoon. bakit? kasi kadalasan din sa mga atm machine ng partikular na banko, tanging ang kanila lamang atm card ang napagsisilbihan. kumbaga, naka-program na hindi pwedeng mag-withdraw ang ibang atm card ng ibang bangko kahit pa sabihing member sila ng bancnet or megalink or expressnet. minsan naman ay OK tatanggapin ang atm card mo at makakapag-withdraw ka, pero me service charge (or bank charge ba tawag dun) dahil hindi ka nag-withdraw sa depository bank mo. that's one scenario... sa ibang atm machine naman nakapaskel ang ganito: NO WITHDRAWALS, BALANCE INQUIRY AND DEPOSIT/PAYMENT ONLY. ano yan? walang laman ang atm machine nila? paano kung ang tanging laman ng pitaka mo ay pamasahe pauwi dahil alam mong makakapag-withdraw ka na at nai-post na daw ang payroll nyo? di ba malaking abala ang ganito? another scenario: TWO WITHDRAWALS ONLY IN A MONTH. SUCCEEDING WITHDRAWALS WILL HAVE CORRESPONDING CHARGE. ibig sabihin, pwede ka lang mag-withdraw tuwing 15 at 30 (or kung sa iba 5-20). bakit ganito? kung lalampas ka ng dalawang withdrawals, kakaltasan pa ang kakarampot mong kinikita para sa kanilang service/bank charge... wow naman... and another scenario: ONLY (name of bank) CLIENTS CAN MAKE BALANCE INQUIRY, OTHER BANK CLIENTS WILL BE CHARGED. naku ano yan? ano pa silbi ng bancnet, megalink or expressnet kung kahit man lang balance inquiry sa ibang system ay kailangan mo pang bayaran? di ba pwedeng libre na yun? ano bang sangay ng pamahalaan ang nakakasakop sa mga bangko? ang Central Bank? dapat bang ipadaan sa public hearing ang mga ganitong RULES ng bangko? kasi para sa akin ay hindi makatwiran na gipitin nila ang mga tao para lamang sa kanilang mga interes. sino pa ang ma-e-encourage mag-impok sa banko kung ang tanging alam nila ay kaltasan ang perang iniipon mo... ang liit na nga ng interest sa savings account, kukuhanan pa ng 20% withholding tax... sobra naman ata iyon? yan ba ang convenience banking na sinasabi nila? yan ba ang 24-hour online banking and yet di ka makapag-withdraw? mabuti pa dati na pagpasok mo sa bangko, ang daming tellers na handang magbigay serbisyo sa iyo. ngayon, ang haba na ng pila, nakatayo ka pa. kahit man lang sana upuan maglagay sila at bigyan na lang number ang mga kliyente para di naman mapagod kakatayo at kakahintay sa kanilang chance para makapag-transact sa counter.... pero ang nangyayari pag ikaw na ang nasa harap ng teller, SORRY, SIR, OFFLINE NA HO ANG SYSTEM... arrghhh parang gusto mong magwala sa loob ng bangko.
|
|
|
Post by batangsaudi on Sept 14, 2006 17:34:53 GMT 7
to philhealth one of my beneficiary is my mother kailangan po ng nanay ko ang philhealth para sa operasyon nya sa orthophedic sa QC eh kailangan po ang philhealth ko ofw po ako dito sa saudi ang sabi po ng owwa ipapadala sa address ko yung certicicate pero di dumating kaya pina puntahan ko sa bayaw ko na galing din dito sa ksa ang sa bi po nasa poea na daw po sa ortigas ayaw naman po i release kailangan pa daw po ang authorization ko pano po ang gagawin ng kapatid ko para makuha nila yun saka sana lang po pag sinabi nila na ipapadala nila thru mail dapat ipadala po talaga nila yun kasi yun ang sinabi sakin nung teller dun sa poea sa branch nila sa duty free sa paranaque sa dun po ako nag bayad para sa philhealth ko ang mangyayari po nito magpapadala pa ako ng authorization ko para makuha yung certificate ko eh ang laking abala po nuon kasi kailangan na makita sa ortho yung certificate para sa operasyon ng nanay ko po salamat po po
|
|
|
Post by nicola on Sept 28, 2006 19:08:53 GMT 7
Good Morning everybody, umaga po dito ngayon sa US at gabi naman jan sa Pinas. Sa lahat ng Radio Station na napapakinggan ko dito na stationed jan sa Pinas, ay paborito ko itong DZRH. Sir Andy, its really nice to have this site. You did a good job. Kumusta na kayong lahat jan sa DZRH?!
Gusto ko po sanang batiin ang nanay ko at mga kapatid jan sa Pinas. Ang Corral Family ng Palanan Makati City. I miss them so much. Goodluck sa DZRH at sa inyo po Sir Andy Verde. Mabuhay!
|
|
|
Post by alcaysar on Oct 9, 2006 16:02:30 GMT 7
Hello !!! good day. ............. salamat andy at naglagay ka ng ganitong forum section....para sa amin . Mabuhay sa DZRH...............!
|
|
|
Post by willie tiongson on Oct 31, 2006 14:30:28 GMT 7
Andy
magandang araw sa yo salamat at patuloy na napapaganda ang pag-uugnayan ng ating mga kababayan sa inyong mga programa na palaging maging malapit sa pagbibigay impormasyon sa tulong ng lahat ng nais magbigay ng balita, tulong, at impormasyon, ugnayan sa lahat ng uri ng balita maganda o malungkot man at higit sa lahat makakabuti sa ating lahat sa tulong ng Dzrh radio ang kaunaunahang radio sa ating bansa.
Salamat po willie tiongson
|
|
|
Post by aminah on Nov 7, 2006 17:20:27 GMT 7
Congratulations po sa DZRH!... nakakarating ang inyong pamayahag dito sa amin sa Tripoli, Libya! Wala po kayong dapat alalahanin sapagkat kami po ay nasa maayos namang kalagayan dito. Nawa'y maging kayong lahat diyan sa Pilipinas ay maayos din!
|
|
|
Post by melj on Aug 29, 2007 23:42:24 GMT 7
Kung magfafile ako ng anolment sa asawa ko, ilan po ba ang magagastos at ilan buwan bago matapos. Kasi gusto ko po yung legal na kaso kaso hindi sa under the table at alam ko ang mga atorny karamihan pera ang nasa isipan. At paano malalaman ang isang atorny na tama ang kanilang sinisingil. Maaraming salamat po.
|
|
|
Post by cornelsweden on Aug 30, 2007 0:04:05 GMT 7
Kung magfafile ako ng anolment sa asawa ko, ilan po ba ang magagastos at ilan buwan bago matapos. Kasi gusto ko po yung legal na kaso kaso hindi sa under the table at alam ko ang mga atorny karamihan pera ang nasa isipan. At paano malalaman ang isang atorny na tama ang kanilang sinisingil. Maaraming salamat po.
|
|